Sign na papakasalan ni bf, at magiging maligaya ang pagsasama
- BULGAR
- Sep 13, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 13, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rosita ng Parañaque.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na ang lungkot ko, may pupuntahan sana akong party nang biglang umulan, buti na lang ay dumating ang boyfriend ko, at may dala siyang bouquet of fresh roses. Nakangiti at masaya niyang iniabot sa akin ang bouquet.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rosita
Sa iyo, Rosita,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na malungkot ka, ay magiging masaya ka sa darating na mga araw. Ang kahulugan ng ulan ay depende sa mga patak nito. Kung malakas ang patak ng ulan, ito ay kabiguan, matinding kalungkutan, at maaari kang madamay sa gulo na mayroon d’yan sa paligid n’yo. At kung mahina lang ang patak ng ulan, ito ay senyales ng kaligayahan at
kasaganaan.
Samantala, ang dumating ang boyfriend mo, may dala siyang bouquet of fresh roses, ay nagpapahiwatig ng tagumpay sa negosyo, kaligayahan at kayamanan. At ang nakangiti ang boyfriend mo, masaya niyang inaabot sa iyo ang bouquet ay sign na tapat siya sa iyo, pakakasalan ka niya, at magiging maligaya ang inyong pagsasama.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments