top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sign na may matatanggap na grasya at pagpapala

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 20, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rolly ng Masbate.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko ang aking ama, matagal na siyang yumao. May gusto siyang sabihin sa akin pero hindi ko ito maintindihan. Kinabukasan, ‘yung ina ko naman ‘yung napanaginipan ko, buhay pa siya, at nagkuwentuhan umano kami.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rolly


Sa iyo, Rolly,


Ang napanaginipan mo ang iyong ama , ay sign na magiging maayos at maganda ang kalagayan mo sa buhay, pero ang sabi mo ay matagal na siyang patay, ito ay babala na madadamay ka sa isang gulo pero tutulungan ka naman ng isa sa malapit mong kamag-anak.


Samantala, ang napanaginipan mo ang ina mo, nagkukuwentuhan kayo, ay senyales na may paparating na grasya at pagpapala. May darating na suwerte sa iyong buhay.


Magugulat ka na lang dahil hindi mo ito inaasahan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page