Sign na may manggugulo sa araw ng kasal
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 20, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Renato ng Bataan.
Dear Maestra,
Sumaiyo nawa ang pagpapala ng tadhana. Nagbabalak akong magpakasal, may kaugnayan kaya ang panaginip ko sa balak kong pagpapakasal?
Napanaginipan ko na nagpunta ako sa bukid. Ang daming daga sa paligid at mayroon din rattlesnake. Itinaboy ko ito na mabilis din namang nawala.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Renato
Sa iyo, Renato,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpunta ka sa bukid n’yo, ang daming daga sa paligid ay masasangkot ka sa gulo. May binabalak na hindi maganda sa iyo ang mga kaibigan mo na akala mo ay mga tunay mong kaibigan, ‘yun pala ay lihim mong mga kaaway.
Kung nagbabalak kang magpakasal, nagpapahiwatig ito na may manggugulo sa kasal mo. Hindi ka niya bibigyan ng katahimikan at guguluhin niya ang iyong isipan.
Samantala, ang rattlesnake ay senyales ng kaaway.
Ang naitaboy mo ito, mabilis na nawala ay nangangahulugang matatalo mo ang iyong mga kaaway, at hindi sila magtatagumpay sa kanilang masamang binabalak laban sa iyo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments