Sign na malulusutan anumang gusot ang pagdaanan
- BULGAR
- Aug 18, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 18, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Laura ng Cavite.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na bumili ako ng butter, at pagdating ko sa bahay ay pinalaman ko ito sa tinapay upang makain namin.
Nauhaw ako kaya binuksan ko ‘yung refrigerator, may nakita akong buttermilk at agad ko itong ininom.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Laura
Sa iyo, Laura,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na bumili ka ng butter, ay kaligayahan sa piling ng iyong pamilya. Ito rin ay nagpapahiwatig na malulusutan mo ang anumang gusot na maaari mong danasin sa susunod na mga araw.
Ang pinalaman mo sa tinapay ang butter upang kainin n’yo, ay senyales na magbibigay ng karangalan at kaligayahan ang iyong mga anak, kung wala kang mga anak, ang mga pamangkin at iba pang malapit na kamag-anak n’yo ang maghahatid ng kaligayahan sa buhay mo.
Samantala, ang nauhaw ka at binuksan mo ang refrigerator, nakakita ka ng buttermilk, ay nangangahulugang maaari mong makaaway ang isa sa iyong kasambahay dahil sa hindi pagkakaunawaan.
Lawakan mo ang iyong pasensya lalo na sa pakikitungo sa iyong kasambahay. Hindi porke kasambahay lang siya, may karapatan ka ng pagsalitaan siya ng masasakit na salita. May puso't damdamin din ‘yan marunong masaktan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna.



Comments