top of page
Search
  • BULGAR

Sign na malapit nang ikasal sa mayaman at romantikong lalaki

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 11, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rosy ng Bataan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na binigyan ako ng manliligaw ko ng perlas na kuwintas, agad ko itong isinuot at may kasama rin itong mamahaling pabango.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rosy


Sa iyo, Rosy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na binigyan ka ng perlas na kuwintas, ay kasaganaan,


kayamanan, kaunlaran at karangalan sa buhay dulot ng iyong pagiging masipag, at matiyaga.


Ang isinuot mo agad ang kuwintas, ay senyales na malapit ka nang ikasal sa isang mayaman, mapagmahal at romantikong lalaki.


Samantala, ang niregaluhan ka rin ng pabango, ay nangangahulugang magtatagumpay ka sa lahat ng plano mo sa buhay. Wala kang daranasing hadlang sa pag-abot mo ng iyong mga pangarap.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page