Sign na malapit na ma-meet ang babaeng pakakasalan
- BULGAR
- Sep 15, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 15, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Roy ng Masbate.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na pumunta ako sa taniman namin ng pinya, at ang dami na umanong bunga nito.
Sa sobrang kasiyahan ko ay binaril ko ng pistol ‘yung mga pinya, at ginawa ko itong target.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Roy
Sa iyo, Roy,
Ang pinya ay may kaugnayan sa pagpapakasal. Kung wala ka pang asawa, malapit mo nang makilala ang magpapatibok sa puso mo na siyang papakasalan at mamahalin mo habambuhay.
Ngunit, kung may asawa ka na, makakatanggap ka naman ng wedding invitation na magpapasaya sa iyo, dahil manggagaling ito sa matalik mong kaibigan.
Samantala, ang ibig sabihin ng binaril mo ang mga pinya, ginawa mo itong target, ay pag-angat ng iyong kabuhayan. Uunlad at sasagana na ang iyong pamilya. Bibiyayaan kayo ng mga anak na maghahatid sa inyo ng kaligayahan at karangalan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments