top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sign na magtatagumpay sa buhay

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 27, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 27, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loida ng Sampaloc, Manila.


Dear Maestra,


Magandang buhay sa inyo r’yan sa Bulgar. Isa ako sa marami n’yong tagasubaybay.


Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na nagkayayaan kami ng barkada ko na maglaro ng bowling. Isa-isa kaming naglaro, at pagkatapos kong maglaro nakaramdam ako ng gutom kaya kinain ko ‘yung dala kong tinapay.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Loida


Sa iyo, Loida,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagkayayaan kayo ng barkada mo na maglaro ng bowling, ay makakaranas ka ng matinding kahirapan at maaari ring malugi ang negosyo mo sa kasalukuyan. Ito rin ay nangangahulugang, ang mga kaibigan mo ay maaaring madamay sa gulo.


Hindi sila makakaiwas sa kaguluhang magaganap sa inyong lugar.


Samantala, ang nakaramdam ka ng gutom matapos kang maglaro ng bowling kaya kinain mo ‘yung baon mong tinapay, ay nagpapahiwatig na maiiwasan mo ang mga nakakainis na pangyayari sa paligid mo. Bagama’t may sagabal sa iyong plano sa buhay, ito ay malalagpasan at mapagtatagumpayan mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page