Sign na mabibigo sa lahat ng pinaplanong gawin
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 17, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rebecca ng Taguig.
Dear Maestra,
Shout out sa inyo r’yan sa Bulgar.
Napanaginipan ko na dinemanda ako ng kasosyo ko sa negosyo pero pinagtatawanan ko lang siya dahil alam kong wala siya sa kat’wiran, dahil alam kong matatalo siya sa kasong isinampa niya laban sa akin.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rebecca
Sa iyo, Rebecca,
Ang ibig sabihin ng dinemanda ka ng kasosyo mo ay pagkalugi sa negosyo. Kung noon ay kumikita ka ng malaki, ngayon ay hindi na. Mahihirapan ka nang kumita ng malaki gaya ng dati.
Ito rin ay nagbababala na dapat kang mag-ingat sa iyong mga katransaksiyon. Gamitin ang iyong isip at talino sa pakikipag-deal. Narito ang ilan sa mga babala na dapat mong sundin, huwag tanggapin ang alok ng bagong kakilala. Huwag ka ring magpapahiram ng pera. At iwasang ding bumili ng mga bagong ari-arian, dahil may posibilidad na pagsisihan mo ito balang araw.
Samantala, ang pinagtatawanan mo lang ang kasosyo mo sa isinampang kaso laban sa iyo dahil alam mong matatalo lang siya, ay nangangahulugan ng pagkabigo. Mabibigo ka sa mga binabalak mong gawin. Ito rin ay senyales na kung ikaw ay may karelasyon sa kasalukuyan, ingatan mo ang iyong mga kilos at pananalita, dahil maaaring makagawa ka ng mga bagay na hindi magugustuhan ng karelasyon mo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments