Sign na jackpot sa bf dahil never magloloko
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 10, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Leah ng Camarines Sur.
Dear Maestra,
Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan, gayundin ang mga mahal n’yo sa buhay. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.
Napanaginipan ko na may narinig ako sa kapitbahay namin, ang ingay-ingay nila, ‘yun pala ay mayroong tumutugtog ng violin. Ang ganda ng tugtog kaya napatingin ako, at maya-maya ay nagsayawan na silang lahat, at maski ako ay nakisayaw na rin.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Leah
Sa iyo, Leah,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na may narinig ka at ang ingay-ingay nila, ay mayroon kang dadaluhang napakasayang event na kung saan kasali ka sa kasayahan. Isa ka sa mapipili nila na dapat magpakita ng talent sa pagkanta o anumang talent na mayroon ka.
Ang ganda ng tugtog, nasiyahan sila, at maski ikaw ay nagandahan din sa tugtog, ay nagpapahiwatig na isasama ka ng barkada mo kung saan lahat kayo ay makikilahok sa programa.
Samantala, ang nagsayawan ang lahat, at pati ikaw ay nakisayaw na rin, ito ay senyales ng kaligayahan at kasaganaan sa buhay. Yayaman at liligaya ka na sa piling ng iyong mga mahal sa buhay.
Magiging mapalad ka rin sa pag-ibig dahil patuloy kang mamahalin ng dyowa mo at hindi ka niya kailanman pagtataksilan, magiging tapat siya sa iyo habambuhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments