Sign na ikakasal sa babaeng pinapangarap
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | September 5, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ronnie ng Bulacan.
Dear Maestra,
Isa akong manunulat at makata. Mahilig akong magbasa ng mga libro at minsan ay nakakatulugan ko na ‘to, lalo na kung mahaba ang kuwentong nakasaad dito.
Madalas akong managinip ng mga libro, at halos gabi-gabi ay nanaginip ako ng iba't ibang uri ng libro.
Ano ang kahulugan ng panaginip ko?
Naghihintay,
Ronnie
Sa iyo, Ronnie,
Iba’t ibang kahulugan ang ipinahihiwatig ng panaginip mo tungkol sa mga libro. Isa-isahin natin ang pag-aanalisa.
Kung ang panaginip mo ay binabasa mo ang libro, ito ay nangangahulugang sisikat at kikilalanin ka sa lipunang iyong kinabibilangan.
Kung ang libro naman sa panaginip mo ay nasa bookshelves, ito ay palatandaan ng magiging maligaya ka sa darating na mga araw.
Samantala, kung sa panaginip mo ay may nagbigay sa’yo ng libro, ito ay nagpapahiwatig na may liligawan kang babae na matagal mo nang napupusuan. Magugustuhan ka rin niya at mauuwi sa kasalan ang inyong pagmamahalan.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments