top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sign na gagaling sa sakit

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 24, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 24, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Vergilio ng Valenzuela.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na magpapaopera ako ng kidney, pumunta ako sa pawnshop para isanla ang mga alahas ko, at kinabukasan ay inoperahan na ako.


Hindi ko alam kung naging successful ba ang operation ko dahil nagising na ako.


Ano ang kahulugan ng panaginip ko?


Naghihintay,

Vergilio


Sa iyo, Vergilio,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na magpapa-opera ka ng kidney, ay kagalingan sa sakit na iniinda mo sa iyong katawan. Hindi mo na kailangan magpa-opera, dahil kusang gagaling ang sakit mo basta’t ingatan mo lang ang iyong kalusugan.


Samantala, ang nagpunta ka sa pawnshop para isanla ang mga alahas mo, ay nangangahulugang mawawalan ka ng ari-arian. Ingatan mo ang iyong mga gamit lalo na ang ‘yung mga mamahalin at importanteng kasangkapan. Ito rin ay babala na matatalo ka sa balak mong pagkandidato sa nalalapit na Barangay election.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page