top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Sign na ‘di na muli pang maghihirap

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 17, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 17, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Loida ng Bataan.

Dear Maestra,


Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan gayundin ang mga mahal n’yo sa buhay. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko tungkol sa gift wrap.


Napanaginipan ko na ang bigat ng dala-dala ko at halos ‘di ko na makaya, nakatanggap ako ng mga regalong nakabalot sa malaking gift wrap, at galing umano ito sa best friend ko.


Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?

Naghihintay,

Loida

Sa iyo, Loida,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang bigat ng dala-dala mo at ‘di mo na kayang dalhin, ay pagkalugi sa negosyo dahil sa iba't ibang kadahilanan. Samantala, ang nakatanggap ka ng regalo mula sa best friend mo na nakabalot sa malaking gift wrap, ay makakatanggap ka ng tawag sa cellphone mo at may ibabalita siya sa iyo na ikalulugod mo. Makikinabang ka sa magandang balita na sasabihin niya sa iyo. Simula na ito ng iyong pagyaman, at hindi ka na muli pang maghihirap.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page