top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sign na ‘di mamomroblema sa salapi at sa magiging dyowa

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 5, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 5, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorry Ann ng Cebu.

Dear Maestra,


Magandang araw. Tagasubaybay ako ng column n’yo. Gusto kong malaman ang kahulugan ng panaginip ko.


Napanaginipan ko na habang umiinom ako ng green tea sa kusina ay natanaw ko ang sikat ng araw. Unti-unti itong lumilitaw sa silangan hanggang sa tuluyan na itong umahon sa kalangitan. Napakaliwanag pero hindi nakakasilaw at ang sarap nitong pagmasdan.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Lorry Ann

Sa iyo, Lorry Ann,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa kusina ka, umiinom ka ng green tea ay makakaranas ka ng pag-aalala at pagkabalisa sa susunod na mga araw. Subalit kung magiging maingat ka at hindi padalus-dalos sa iyong mga gawain lalo na kung gagamitin mo ang iyong isip at talino, maiiwasan mo ito.


Samantala, ang natanaw mo ang araw na unti unting lumilitaw sa silangan ay pagbabago ng iyong kalagayan sa buhay.


Ang tuluyang umahon ang araw sa kalangitan ay nagpapahiwatig na may matatanggap kang magandang balita.


Ang napakaliwanag ng sikat ng araw pero hindi nakakasilaw, ay nangangahulugang magtatagumpay ka sa larangan ng pananalapi. Hindi ka na magkakaproblema sa pera.


Susuwertehin ka rin sa pag-ibig. Magiging maligaya kayo ng dyowa mo.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page