Sign na ‘di malambing at romantiko ang nobyo
- BULGAR
- Jun 16, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | June 16, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lourdes ng Pasig.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nakabili kami ng lupa kasama ko rito ang dati kong schoolmate at ngayon ay boyfriend ko na.
Nagkasundo kami na pupuntahan namin ito sa araw mismo ng kanyang kaarawan, ngunit nauna akong dumating habang siya ay na-late.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Lourdes
Sa iyo, Lourdes,
Maganda ang ibig sabihin ng panaginip mo na nakabili kayo ng lupa ng dati mong schoolmate at ngayon ay boyfriend mo na. Ito ay kasaganaan at kalayaang magpasya sa iyong mga hangarin sa buhay.
Samantala, ang nauna kang dumating sa lugar na kinaroroonan ng lupang nabili niyo habang nahuli ang boyfriend mo, ito ay senyales na nag-iisip muna ito bago siya magpasya sa kanyang mga binabalak. Inaalam muna niya kung may balakid bang kakaharapin o maganda ang idudulot sa kanya ng araw na iyon. Ito rin ay nagpapahiwatig na ang boyfriend mo ay hindi malambing. Hindi rin siya gaanong romantiko tungkol sa inyong relasyon.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments