top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sign na ‘di makakaiwas sa gulo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 24, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 24, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Levie ng Zambales.

Dear Maestra,


Maraming salamat sa mabilis n’yong pagtugon sa panaginip na isinangguni ko noon, dahil sa inyo naging maayos ang aking buhay. Sinunod ko ang mungkahi n’yo tungkol sa aking panaginip. Gusto ko sanang malaman muli ang kahulugan ng panaginip ko noong nakaraang gabi.


Napanaginipan ko na pumunta ako sa bukid, namitas ako ng beans.


Pag-uwi ko sa bahay ay niluto ko agad ito at kinain nang biglang sumama ang aking pakiramdaman. Namumutla umano ako at kinakapos sa paghinga.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Levie

Sa iyo, Levie,


Maraming salamat sa pagsubaybay mo sa column ko, at sa pagsangguni tungkol sa panaginip mo.


Hindi maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na namitas ka ng beans sa bukid n’yo, ito ay babala na masasangkot ka sa gulo dahil sa iyong mga barkada, idadamay ka nila sa gusot na kanilang napasukan.


Ang niluto mo ang beans at kinain mo, ay gayundin ang kahulugan, hindi mo maiiwasan ang gulo na nagbabantang dumating sa buhay mo.


Samantala, ang namutla at kinapos ka sa paghinga matapos mong kainin ang beans, ay senyales na huwag mo masyadong isubsob ang iyong sarili sa pagtatrabaho, dapat mo pa ring ipahinga ang iyong sarili. Lagi mong isaisip na ang kalusugan ay isa ring kayamanan na kailangan mong pakaingatan. Iwasan mong magkasakit, at ipahinga mo rin ang iyong katawan.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page