top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Sign na dapat magdoble-kayod

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 8, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 8, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Pangasinan.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na ang bigat ng dala-dala kong mga abubot. Halos 'di ko na kaya pero nagawa ko pang tulungan 'yung kaibigan ko na may mabigat ding dala na halos 'di rin niya makaya.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Robert


Sa iyo, Robert,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na ang bigat ng dala-dala mong abubot na halos 'di mo na kaya, ay kailangan mong magtrabaho ng todo upang matustusan ang mga pangangailangan n'yo sa buhay. Huwag kang tatamad-tamad, magdoble-kayod ka.


Samantala, ang tinulungan mo ang kaibigan mo na buhatin ang mabigat niyang dala-dala, ay nangangahulugang may lalapit sa iyong kaibigan upang hingin ang iyong tulong.


Makakaramdam ka ng pagkahabag kaya tutulungan mo siya agad kahit na ikaw mismo ay may mabigat na problema rin.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page