top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

SIGAW NG NETIZEN: HEAVEN, PARANG LINTA KUNG MAKADIKIT KAY MARCO

Writer: BULGAR
BULGAR
May 27, 2023
2 min read

ni Maricon Nolasco @Special Article | May 27, 2023



Ipinost ng aktor na si Marco Gallo ang isang video clip sa kanyang Instagram account kung saan makikitang buhat-buhat niya ang ka-love team na aktres na si Heaven Peralejo sa teen drama series na The Rain in España.


Nasa gilid ng kalsada sa EDSA ang dalawa habang masayang ipinapakita sa nasabing video clip ang billboard nila para sa pinagbibidahang serye.


Kapag napanood mo ang video clip na ito nina Marco at Heaven, aakalain mo ngang magdyowa na talaga ang dalawa sa tunay na buhay. Super intimate at very sweet na kasi ang mga ito sa isa't isa.

Inulan naman ng samu't saring komento ang naturang video clip nina Marco at Heaven

sa social media.


Para sa isang netizen ay for promo lang ang ipinapakitang sweetness ng dalawa para naman pumatok at bumenta ang bagong series nila ngayon.


"Suuuus! Ganyan naman talaga 'yung paandar ng mga artista rito sa atin, hindi pa ba kayo nasanay?!?! Sa totoo lang, nakakaumay na! Gimmick lang nina Marco at Heaven 'yan para may manood ng flop na series nila. Lol!"


Habang ang isang commenter, sinabing ganyan daw talaga ang galawan ni Heaven sa mga lalaking nakakasama niya.


"Nakuuuu! Heaven pa ba?!?! Ilang lalaki na ang na-link diyan at parang linta pa kung makadikit kay Marco! Jusko naman! Wala na talagang natirang hiya sa katawan ni ate gurl!"


Comment naman ng isa pa tungkol kay Marco, touchy din daw ang aktor at pa-fall lang daw ito. Wala sa hitsura nito na magseseryoso sa babae.


"Haaaay nako! Si Marco pa ba?! Asa ka riyan, mukhang babaero 'yan! Pagsasawaan ka lang niyan, Heaven! Well, ganyan din pala si gurl. So, it's a tie! Hahahaha!"


Ang pahabol na hirit naman ng isa pang netizen, "Hindi n'yo na kami makukuha sa mga pa-ganyang drama! Nakakainis tingnan 'tong sina Heaven at Marco! Lahat na lang talaga gagawin para sa promo ng series! For sure, after ng project nila, break na rin 'yan!


Hahahaha!"


Grabe naman, ang daming judgmental, ha?!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page