SHS program para sa inmates, inilunsad sa Manila City Jail
- BULGAR
- Sep 10, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 10, 2022

Sa kauna-unahang pagkakataon, inilunsad sa Manila City Jail ngayong Sabado ang kanilang Senior High School program para sa kanilang mga detainees.
Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Manila, makapagbibigay ang programa sa mga inmates ng tsansa na maipagpatuloy ang kanilang senior high school studies habang nagsisilbi sa kanilang mga sentensiya.
Batay sa Manila City Jail, mabebenepisyuhan ng programa, ka-partner ang Department of Education (DepEd) sa Manila at ang ODB Montessori ng Novaliches, Quezon City, ang tinatayang 200 detainees.
Kabilang sa mga enrollees ang 106 male inmates, habang 94 iba pa ay mula sa female dormitory.
Sa ilalim ng programa, ang mga enrollees ay dadalo sa online classes tuwing weekdays, habang face-to-face learning sessions ay gagawin ng Sabado.








Comments