top of page
Search
  • BULGAR

Showroom ng mga kotse, nasunog

PHOTni Lolet Abania | April 29, 2021




Isang retail property ng mga sasakyan na under renovation ang nasunog sa Fort Bonifacio, Taguig City ngayong Huwebes nang umaga.


Sa report ng Taguig City Fire Department, sumiklab ang apoy sa ikatlong palapag ng gusali na pag-aari ng Toyota Philippines sa Bonifacio Global City.


Nagsimula ang sunog bandang alas-10:30 ng umaga, kung saan umabot sa unang alarma nang alas-10:45 ng umaga na itinaas sa ikalawang alarma nang alas-10:50 ng umaga at idineklarang under control nang alas-11:19 ng umaga, habang naapula ang apoy nang alas-11:33 ng umaga ngayong Huwebes.


Tinatayang limang sasakyan ang napinsala sa insidente. Wala namang naitalang nasawi o nasaktan dahil sa sunog.


Inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng mga natupok na ari-arian.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page