top of page
Search
  • BULGAR

Shorts, basa raw, kaya naka-panty na umakyat ng bundok…

HIRIT NG NETIZENS: NADINE, KSP LANG, TODO-GIMIK DAHIL TAKOT MALAOS

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 12, 2021




Ayaw kagatin ng ilang netizens ang ibinigay na rason ni Nadine Lustre kung bakit naka-bikini lang siya habang umaakyat ng bundok kasama ang nakabalikang BF na si James Reid at ilang kaibigan.


Nag-viral ang naturang picture ni Nadine kung saan makikitang bagama't nakasuot siya ng puting fitted t-shirt, naka-bikini lang siya habang nagha-hiking sila.


Paliwanag ng aktres sa kanyang social media post, unang-una, hindi raw niya Twitter account ang naglabas ng naturang larawan.


Sey ni Nadine, “I don’t have Twitter.”


“‘Di na ba uso fact checking ngayon? 2021 na o anuba.”


Environmentalist ang aktres kaya gustung-gusto niyang umaakyat ng bundok para makapagtanim ng mga puno roon dahil nakakalbo na ang ibang kabundukan na nagiging sanhi ng malaking baha at landslides.


Post pa ni Nadine sa kanyang Instagram account: “Fund a seed so we can reach our goal of 88,000 trees.”


At katwiran niya kung bakit nga naka-bikini lang siya sa picture, “Ayokong magsuot ng basang shorts kaya nagpatuyo muna ng mga 10 mins, ok? Ikaw kaya ang magsuot ng basang maong habang nagha-hike (with smiley emoji).”


Pero ayaw ngang bilhin ng ilang netizens ang kanyang katwiran. Ayon sa ilang nabasa naming comments sa socmed…


"KSP lang talaga 'yang si Nadine at gustong lagi siyang napag-uusapan kasi takot siyang malaos na. Wala na silang career ni James kaya gimik pa more!"


"Ghorl, eh, di sana, nagbalot ka na lang ng dahon ng saging kung nabasa ang shorts mo, kesa 'yung naka-panty ka lang. 'Di mo na binigyan ng kahihiyan si James, 'di mo alam, 'yung mga kasama mo, baka pinagnanasaan na 'yang ano mo."


"Ganyan talaga galawan ng mga laos, lahat gagawin, mapag-usapan lang."


Well, ang mahalaga, hindi naman napahamak si Nadine habang naka-bikini lang na umakyat ng bundok. Buti na lang at hindi siya pinapak ng mga lamok o iba pang insekto ru'n.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page