Sharon, hirap maglakad, nagpapa-therapy

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 15, 2024

Humingi ng sorry si Megastar Sharon Cuneta sa kaibigan nitong si Pops Fernandez dahil sa hindi pagpunta sa two-day Always Loved concert nito, last February 9 at February 10 sa Solaire Theater, Parañaque City.
Ayon sa aktres at singer, sumasailalim siya sa therapy session dahil sa iniindang karamdaman sa paa.
Ikinuwento ng Megastar, “Just thought you might want me to update you. I've done two sessions with my Physical Therapist, plus Acupuncture & Cupping (Ventosa yata ang tawag doon?).
“'Di nga ako nakapunta sa concert ni Pops when nandito na sa condo namin habang nagpi-PT ako si Peachy to do my make-up. Siya at grupo namin nakanood. Nagpakuwento na lang ako sa kanila after at hinayang na hinayang ako,” saad ni Sharon.
Nagbigay din siya ng pahayag karugtong ng kanyang sinabi patungkol sa balita na nakita siyang paika-ika sa lamay ng yumaong ABS-CBN executive na si Deo Endrinal.
Aniya, “I still haven't stopped limping. Ayoko naman po magpakita sa lahat nang umiika-ika pa rin, pwera nu'ng nagbigay-respeto po ako kay Deo Endrinal sa kanyang burol."
Nagsabi rin siya na every single day for longer a month, she have been in pain.
Kaya naman sinecure niya ang mga nakabasa ng kanyang post na “Baka po mag-alala kayo, please don't worry! Basta tuloy lang ang PT, lilipas din ito.”
Sabi nga ni Megastar, nagkaroon siya ng detox kumbaga sa social media.
Dagdag niya, “Please take good care and if you can include me in your prayers. Have a great evening!”
Samantala, nakita ng kanyang kaibigan na si Pops ang kanyang post.
Saad ni Pops sa comment section, “Oh no. Sis hope you feel better soon."
Sa ngayon, marami na ang nakaintindi kay Sharon and even sa kondisyon niya sa health. Maraming nagpahatid ng get well soon sa kanya.





Comments