top of page
Search

Shaira at EA, umaming 2021 pa engaged

BULGAR

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | February 16, 2024




Kinumpirma nina Shaira Diaz at EA Guzman ang kanilang engagement at sinabing noong Disyembre 25, 2021 pa naganap ang proposal.


"Yes, mga Kapuso and ‘UH’ fam, Shaira and I are engaged,” opisyal na anunsiyo ni EA sa talk show na Unang Hirit.


Sa kanyang pagbisita sa show, naglaro siya ng guessing game kung saan ipinakita ang mga larawan na tila ba anino lang, at kailangan niyang hulaan ang mga pangyayari. Kasama rito ang debut ni Shaira, ang kanilang trip to New York, at sa wakas, ang kanyang proposal kay Shaira.


“Alam kong nasa industriya kami ng showbusiness, hindi ‘to sa taping, hindi ‘to eksena ng taping. Ito po ay nangyari sa aktuwal na sitwasyon,” pahayag ni EA.


Nang tanungin kung bakit nila pinanatiling pribado ang kanilang engagement, sumagot si EA, “I respect Shaira a lot.”


“Ini-respect ko lang 'yung time niya. I know 'pag nag-propose ako, baka mag-no siya sa ‘kin, that’s the truth. Pero naniwala ako sa pagmamahal niya and alam niya 'pag nag-propose ako sa kanya, 'pag nag-yes siya, I’m willing to wait sa right time niya, sa gusto niyang goal namin na pupuntahan, I’ll wait for her," dagdag niya.


Sa Sabado, Pebrero 17, ipagdiriwang nina Shaira at EA ang kanilang ika-11 na anibersaryo. Una silang nagkakilala sa isang reality show, at nagkaroon ng feelings para sa isa't isa matapos silang mag-perform sa isang mall show.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page