Sey mo, Derek? PHILMAR, GINASTUSAN ANG BFF, ANDI, BINIGYAN LANG NG PUSO NG SAGING
- BULGAR

- Feb 20, 2025
- 2 min read
ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | Feb. 20, 2025

Photo: Philmar at Andi Eigenmann - IG chepoxz
Nag-post sa kanyang Facebook (FB) account na ala-Marites si Xian Gaza para kay Derek Ramsay stating, “Nirerespeto kita, sir, kaya ‘di kita ma-bash!”
Gayunpaman, nais daw niyang marinig ang opinyon ng aktor makaraang bigyan ng puso ng saging ni Philmar Alipayo si Andi Eigenmann nu’ng Valentine’s Day.
Sabi kasi ni Derek, close friend niya si Pernilla Sjoo, ang Swiss na umano’y third party sa relasyong Andi-Philmar.
Ipinagtanggol pa nga ni Derek si Pernilla habang dismayado naman ito sa ginawa ni Andi dahil inilabas pa sa social media ang isyu nila ni Philmar at na-bash nga si Pernilla na itinuturong third party daw.
Pinagsabihan din ni Derek si Philmar to be man enough to own up to his mistake.
Dahil dito, nag-post si Xian at tinawag ang atensiyon ni Derek.
Ayon sa kanyang FB post: “Si Andi, puso lang ng saging samantalang ‘yung kaibigan mo (Pernilla), ginastusan!”
Ang tinutukoy ni Xian na naglabas ng pera si Philmar ay nang sabay silang nagpa-tattoo ni Pernilla ng “224.”
In other words, “sukatan” ng pera ang tinutumbok ni Xian na unfair para kay Andi.
Ewan nga lang kung papatulan ni Derek ang “patutsada” ni Xian.
So, what do you think, mga tribu ni Mosang? Think and THINK BIG, ha!
IGINIIT ni re-electionist Senator Bong Revilla, Jr. na ang kanyang legacy sa Senado ay higit pa sa kanyang viral Budots dance moves.
Si Sen. Bong ay may 343 na batas na naipasa, kabilang na ang makasaysayang pagbabawal sa No Permit, No Exam policy sa mga schools—dahil kung mayroon man siyang pinaninindigan, ‘yun ay ang mapagaan ang buhay ng mga estudyante.
Oo nga naman, may point siya, in pernes, ‘noh?
At magpakatotoo lang ang mga namba-bash kay Sen. Bong dahil ang ilan sa kanila, wala namang ambag sa lipunan at baka nag-Budots lang sa inggit sa aktor-senador. Hahaha!
‘Yun lang ang I thank you.





Comments