top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sexy pose ni KC, ginaya, hita idinispley… SHARON, TINAWAG NA BALYENA NG NETIZEN

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 12, 2021
  • 2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | January 12, 2021




Ganado si Megastar Sharon Cuneta na mag-post ng piktyur niya na naka-swimwear pagkatapos purihin ng mga netizens sa kanyang pagpayat.


Kahapon ay muling nag-post si Mega sa kanyang IG account ng piktyur niya na nakahiga nang patagilid sa dagat ng Amanpulo kung saan lutang ang kurba ng kanyang balakang at matambok na puwet, gayundin ang malaking bahagi ng kanyang flawless na hita at binti.


Pramis niya sa kanyang mga IG followers, last post na raw niya 'yun na naka-swimwear.


"O, last na ito for this season, ha?!" caption ni Mega sa solo picture niya sa beach.


Next time raw na magpapa-picture siya na naka-swimwear ay kukunin na niya ang sikat at fave celebrity photographer na si Jun de Leon.


"When I hit my goal weight and Jun de Leon and I do a REAL pictorial, hopefully in Amanpulo again!"


Nag-comment naman ang celeb photog na si Jun de Leon sa IG post ni Sharon, "I'll see you very soon then!"


"Yes, my dear Jun!!!" mukhang excited na sagot ni Sharon.


Sa isang hiwalay na IG post na video ni Mega kung saan nakadapa siya sa tubig at nakikipaglaro sa mga isda, may netizen na pumuri sa kinis ng kutis ni Sharon.


"WHOAAH ni stretch marks, Mama, wala ka po. Flawless and perfect skin."


Reply ni Sharon, "NAKU MERON NAMAN! 'Pag mataba ka, tapos pumayat, hirap ng walang lalabas na stretch marks! Pero okay na 'yun!"


Napagkamalan naman ng isang netizen na sirena na natutulog sa dagat si Mega.

"Naku, tingin ko nga d'yan nu'ng una, dugong! Hahaha!"


Meron ding netizen na tumawag ng "balyena" kay Sharon. Pero imbes na magalit ay idinaan ng Megastar sa biro ang reply niya sa netizen na nag-comment.


"Dugong naman," sagot ni Sharon.


Ini-repost naman ni Mega ang post ng kanyang fan na pinagsamang piktyur nila ng anak niyang si KC Concepcion na magkapareho ang pose sa dagat.


"Ay! Nagkataon! Naaaks! Hahahaha!"


Puna ng mga netizens, parang mag-sister lang sina Mega at KC.


"Aba! At ang mga posing talaga, kabog! Mother and daughter talaga. Mga tekty (sexy)."


"You're both sexy."


"Wow, love this, napakaganda n'yong mag-ina. Super! Parang mag-sister lang, hahaha, enjoy lagi."


Hirit pa ng isang netizen, "Actually, mas sexy pa si Sharon kay KC when she was her age. Napaka-slim ng figure niya. Saw her movies before."


'Yun na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page