Sexual and reproductive rights, ituturo na sa Grade 4
- BULGAR
- May 1, 2023
- 2 min read
ni Ryan Sison @Boses | May 1, 2023
Iminungkahi ng Department of Education (DepEd) ang pagpapakilala ng sexual and reproductive rights education sa mga Grade 4, gaya ng nakikita sa draft ng bagong kurikulum upang palawakin ang kaalaman sa kalusugan ng mga mag-aaral.
Sa iminungkahing 2022 basic education curriculum, pagsasamahin ng DepEd ang kasalukuyang magkahiwalay na asignatura ng Health and Physical Education para lumikha ng mas magandang pagkakataon para sa praktikal na aplikasyon ng kaalaman ng mga mag-aaral sa health and movement, kabilang ang mga aralin sa seksuwalidad, kalusugan ng pamilya at pag-iwas sa paggamit ng substance atbp.
Isa sa kapansin-pansing hinahandog ng bagong K to 10 curriculum ng DepEd ay ang pagsasama ng ‘sexual reproductive and health rights’ at ‘healthcare needs and rights’ sa ikatlong quarter ng Grade 4 o kapag ang mga mag-aaral ay nasa edad 8 hanggang 10.
Ayon sa draft na curriculum guide ng DepEd para sa Health and Physical Education, ang mga aralin ay idinisenyo upang ipaliwanag ang mga konsepto ng karapatan sa health care needs, sexual, at reproductive, at pag-aralan ang kahalagahan ng health and sexual reproductive rights.
Ayon sa iminungkahing kurikulum, ang layunin ng mga aralin sa sexual and reproductive rights ay payagan ang mag-aaral na magpakita ng mahusay na kasanayan sa paggawa ng desisyon sa mga pangangailangan at karapatan sa kalusugan atbp.
Sa binagong K to 10 curriculum ng DepEd, unti-unting umuusad ang mga aralin na may kinalaman sa sexuality at reproductive health sa ilalim ng Health subject area na saklaw mula Grade 4 hanggang 10.
Sa Baitang 5, matututunan ng mga mag-aaral ang tungkol sa ‘pakikipag-usap, boundaries sa pakikipagrelasyon’ at pagpapatibay ng pagpapahalaga sa pamilya at pagbibigay kaalaman sa mga isyung nauugnay sa relasyon.’
Samantala, sa Baitang 6, ang mga aralin sa pangkalusugan na may kaugnayan sa paggalang sa mga pangunahing konsepto ng kasarian at lahat ng pagkakakilanlang sekswal na may layuning hikayatin ang mga mag-aaral na magkaroon ng kamalayan sa pagkakaiba-iba.
Upang matututo ang mga mag-aaral sa iba’t ibang aspeto ng sekswalidad at reproductive health mula Grade 7 hanggang 9. Sa Grade 10, kapag ang mga estudyante ay nasa edad 15 hanggang 16, tuturuan sila ng ‘mga tungkulin at responsibilidad ng magulang’na kinabibilangan ng maternal at childcare, teenage, mga programa na makaka-iwassa pagbubuntis at pagpaplano ng pamilya.
Bukod sa sekswalidad at kalusugan ng pamilya, ang bahagi ng Social and Community Health ng subject na lugar ay magpapaliwanag din sa environmental health, edukasyon sa populasyon, at organisasyon ng komunidad.
Napakagandang plano nito para sa mga mag-aaral, lalo na ngayon na maraming kabataan ang maagang nagkakapamilya.
Sa ganitong klaseng paraan, magkakaroon ng kamalayan o kaalaman ang bawat batang Pilipino sa kung ano ang nangyayari sa kanilang paligid, lalo na sa usaping sekswal.
Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com





Comments