Search
  • BULGAR

Sex den buking, 3 Chinese arestado

ni Gina Pleñago | June 25, 2020




Tiklo ang tatlong Chinese makaraang mabuko na ginagawa nilang prostitution den ang ikawalong palapag ng isang gusali sa Makati City, kamakalawa.

Nasa detention cell sa Makati City Police ang mga suspek na sina Zhang Yong, 48; Lai Jin Cheng Yuan, 29, at Yin Yuan Sheng, 33, pawang mga nanunuluyan sa JKL Bldg.,4978 Guanzon St., Bgy. Poblacion.


Sa report na natanggap ng Southern Police District, alas-4:00 ng hapon nang maaresto ang mga suspek. Bunsod na rin sa reklamo ni Susan Lim, na nalaman niya na ginagawang prostitution den ng mga suspek ang pag-aari nilang gusali.

Humingi siya ng tulong sa pulisya kaya agad nagkasa ng follow-up operation ang mga awtoridad sa pamumuno ng hepe ng Station Investigation and Detective Management Service na si Police Major Gideon Inis, laban sa mga suspek na nagresulta nang pagkakadakip sa mga ito.

Narekober ng mga pulis ang ilang condom at sexual paraphernalia.

Napag-alaman na tinangka pa umanong suhulan ng P100,000 ang mga pulis ng mga suspek.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.