Mga nasa proyekto ng gobyerno, bawal... Pangalan, mukha, logo ng opisyal, baklasin
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
ni Mylene Alfonso @News | February 1, 2026

Photo: File
Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang agarang pagtanggal ng mga pangalan, larawan, at iba pang pagkakakilanlan ng mga opisyal sa lahat ng proyektong pinondohan ng gobyerno, alinsunod sa ‘Anti-Epal’ policy.
Batay sa inilabas na Memorandum Circular 2026-006, inatasan ang lahat ng provincial, city, municipal, at barangay officials, gayundin ang mga tanggapan ng DILG sa national, regional, at field level, na tiyaking walang pangalan, mukha, logo, initials, kulay, o slogan ng sinumang opisyal sa mga proyektong ginamitan ng pondo ng bayan.
Binigyang-diin ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na ang mga proyekto ng pamahalaan ay pinopondohan ng bayan at hindi dapat gamitin para sa pansariling promosyon.
“Government programs are not personal billboards. These are funded by taxpayers and must reflect public service, not political credit grabbing,” ani Remulla.
Ipinagbabawal din ng ahensya ang pagpapakita ng pangalan, larawan, imahe, slogan, logo, color motif, mga inisyal, o anumang simbolo o grapikong representasyon na may kaugnayan sa sinumang opisyal ng gobyerno sa mga proyekto at karatula ng pamahalaan.
Iniutos din ng DILG ang agarang pagtanggal ng mga umiiral na karatula, tarpaulin, marker, o iba pang materyales na lumalabag sa nasabing circular.








Comments