top of page

Seth Curry, positive sa COVID-19; Harris at Aldridge, hindi nagpabaya

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 9, 2021
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | January 9, 2021




Pinabagsak ng Brooklyn Nets ang numero unong koponan na Philadelphia 76ers, 122-109, sa NBA game kahapon mula sa Barclays Center. Pinatid ng Nets ang limang sunod-sunod na panalo ng 76ers habang wala ang star players na sina Kevin Durant and Kyrie Irving.


Patuloy na naka-quarantine si Durant bilang bahagi ng COVID-19 health at safety protocol habang nakaliban si Irving. Pumukol ng anim na tres si Joel Harris upang pangunahan ang Nets na may 28 puntos at sinundan ni Caris LeVert na may 22 puntos.


Nagulantang ang 76ers matapos palabasin bago magsimula ang laro si Seth Curry dahil nagpositibo ito sa virus. Maliban kay Curry, tatlo pang hindi pa pinapangalanang manlalaro ang nag-positibo sa pinakahuling resulta na inilabas ng liga.


Kahit bigo, nanatili pa rin mag-isa ang 76ers sa taas ng standings matapos talunin ng San Antonio Spurs ang defending champion Los Angeles Lakers, 118-109. Sinira ng Spurs ang pagbabalik ng Lakers sa Staples Center matapos ang isang mahabang biyahe kung saan nanalo ang mga kampeon ng dalawang beses sa San Antonio.


Malaking bagay ang pagbalik sa Spurs ni LaMarcus Aldridge galing sa pilay at gumawa siya ng 28 puntos habang nag-ambag ng 19 puntos si DeMar DeRozan. Umangat ang Spurs sa 4-4 at bumaba ang Lakers sa 6-3.


Sa ibang mga laro, nagsama para sa pitong sunod-sunod na puntos sina Larry Nance Jr., Andre Drummond at Cedi Osman upang maagaw ang lamang, 91-88, at kumapit para sa 94-90 panalo ng Cleveland Cavaliers sa Memphis Grizzlies. Namuno sa Cavs si Drummond na may 22 puntos.


Nagwagi rin ang Portland Trail Blazers sa Minnesota Timberwolves, 135-116. Uminit si Damian Lillard para sa pitong tres patungong 39 puntos at tumulong CJ McCollum sa 20 puntos.


Bumida sina Luka Doncic at Josh Richardson sa overtime upang ibigay sa Dallas Mavericks ang 124-117 panalo sa Denver Nuggets. Ipinasok ni Doncic ang 38 puntos habang parehong may 14 puntos sina Richardson at Dorian Finney-Smith.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page