top of page

Serrano at Caluya mga kampeon sa Earth Run

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 20 hours ago
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | December 15, 2025



Serrano at Caluya

Photo: Nagkampeon sa 25km run sina Aldrin Serrano at Anisha Caluya sa Takbo Para sa Kalikasan Earth Run na nagsimula at nagtapos sa Quirino Grandstand kahapon.    (Gen Villota)



Bumida sina Aldrin Serrano at Anisha Caluya sa Earth Run, ang ika-apat at huling yugto ng seryeng Takbo Para Sa Kalikasan 2025 kahapon umaga sa Quirino Grandstand. Lumipas muli ang isang taon ng pagsulong sa pag-alaga sa Inang Kalikasan at kalusugan ng katawan.


Umoras si Serrano sa tampok na 25 kilometro karera sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa dominanteng 1:44:00. Ito malapit na sa 10 minutong agwat sa pumangalawang si Richard Romero (1:53:31) at pangatlong si Ramil Nucup (1:56:53)


Sa kabaihan, madaling nakuha ni Caluya ang kampeonato sa 2:03:38. Sumunod sina Angeline Limbaco (2:20:00) at Diana Grace Galindez (2:21:53).


Sa 10 kilometro, nagpakita ng sportsmanship si Jay Fernandez at kusang ibinigay ang panalo kay Mark Biagtan. Sabay silang tumawid sa 36:12 at pangatlo si Crifankreadel Indapan sa 38:23.


Walang duda na si Jessica Blakeley ang bida sa mga babae sa 47:24. Sinundan siya nina Carizza Joy Sotalbo (50:34) at Sheila Hernandez (53:02).


Pinakamabilis sa limang kilometro si Neil Christopher Maramba (17:42), King Agas (17:43) at Rhainer Simbajan (20:08). Umakyat din sa entablo sina Syzel Gabriel (24:36), Jhazelyn Lapuz (25:31) at Rona Amad (32:28).


Ihahayag ng Green Media Events ang kalendaryo ng TPSK sa 2026. Ang BULGAR ay nagsilbing media partner ng serye at nakatanggap ng plaque of appreciation mula sa organizer ng GME na tinanggap ng cute na mascot na si Bulgarito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page