Sept. 11 bilang Marcos Day, aprub sa Senado
- BULGAR

- Oct 26, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | October 26, 2020

Inaprubahan na ng Senate committee on local government kanina ang inihaing panukala tungkol sa pagdedeklara ng kaarawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang local holiday sa Ilocos Norte, ang bayan na kanyang pinagmulan.
Sa House Bill No. 7137 na ang may-akda ay sina Ilocos Norte Rep. Angelo Marcos Barba at Rep. Ria Fariñas, at Probinsyano Ako party-list Rep. Rudys Caesar Fariñas, ang September 11 kada taon ay idineklara bilang “President Ferdinand Edralin Marcos Day” sa nasabing lalawigan.
Isinilang si Marcos noong September 11, 1917 sa Sarrat, Ilocos Norte. Naging congressman siya sa second district ng Ilocos Norte na nagsilbi sa House of Representatives mula 1949 hanggang 1959.
Inihalal bilang senador si Marcos bago naging ika-10th pangulo ng bansa noong 1965. Nanatili siya sa pamahalaan at nagserbisyo nang dalawang dekada subali’t napaalis sa posisyon bilang presidente dahil sa EDSA People Power Revolution noong 1986.
“A festive celebration like the proposed President Ferdinand Edralin Marcos Day will attract local and foreign tourists and further boost the tourism economy of the province," sabi ni Barba sa Senate hearing.
"The province will no longer go to the process of requesting a Presidential Proclamation declaring September 11 as a special non-working holiday in the province of Ilocos Norte," dagdag ni Barba.





Comments