top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Senyales para ‘di pagkatiwalaan ang kaibigan

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 4, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 4, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rey ng Capiz


Dear Maestra,


Isa akong veterinary doctor. Araw-araw ay nananaginip ako ng mga hayop.


Napanaginipan ko kagabi na kinagat ako ng alaga kong bulldog. Noong isang gabi naman, hinahabol ako ng baka at galit na galit ito sa akin.


Ano kaya ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?

Naghihintay,

Rey


Sa iyo, Rey,


Kung lagi kang nananaginip ng aso o bulldog, ito ay nangangahulugan na kung sino pa ‘yung kaibigan na akala mo ay hindi mapagkakatiwalaan, siya pa ang tapat sa iyo at handa kang damayan sa oras ng kagipitan.


Ang kinagat ka ng alaga mong bulldog ay nagpapahiwatig na ikaw ay nagdududa sa inaasal ng isa mong kaibigan. Gayunman, may batayan ka para hindi siya pagkatiwalaan.


Samantala, ang ibig sabihin ng hinabol ka ng baka at galit ito sa iyo ay masasangkot ka sa isang gulo, pero ‘di naman ito magtatagal, makakagawa ka ng paraan at maiiwasan mo rin ito.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page