Senyales ng suwerte sa negosyo at loyal na gf
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay |January 03, 2022
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danilo ng Pasay.
Dear Maestra,
Ano ang ibig sabihin ng napanaginipan ko ang dyowa ko, tapos ang saya-saya niya?
Nagsimba kami noong nakaraang simbang gabi, tapos ang ganda ng tunog ng kampana ng simbahan na para bang may ikakasal.
Naghihintay,
Danilo
Sa iyo, Danilo,
Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo tungkol sa kampana ng simbahan na narinig n’yo ng dyowa mo dahil ito ay nagpapahiwatig ng magandang kapalaran.
Susuwertehin ka sa negosyo at kung nagbabalak kang magpakasal, magiging masaya ito at puno ng pagpapala.
Samantala, ‘yun namang dyowa mo na ang sabi mo ay masaya, ito ay nangangahulugan na tapat siya sa iyo at mahal na mahal ka niya.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia De Luna




Comments