top of page

Senyales ng pagiging duwag ng tao sa ibang bagay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 27, 2021
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 27, 2021




Malaki na ang anak mo pero hanggang ngayon ay nakatabi pa rin sa higaan ninyong mag-asawa at ayaw na maiiwan na mag-isa sa isang kuwarto dahil may mumu raw.


Pinakakanta mo ang anak sa stage pero ayaw kumanta kahit na alam mong may boses naman siya at hindi mapapahiya. Pabubutasan mo na ang kanyang tenga para lagyan ng hikaw pero panay ang makaawa at umaayaw. Paano mo nga ba masasabi na ang iyong anak ay duwag.


1. NANGHIHIRAM NG TAPANG. At dahil ang kaduwagan ay sinabing wala man lang ni katiting na katapangan sa kanyang sarili, madalas na humahanap siya ng makatutulong na bagay para maramdaman niyang may umaagapay sa kanya para tumapang. Sa halip na harapin ang sitwasyon pero nahihirapan naman siya na gawin ang maging matapang, kung minsan napipilitan siyang magdroga o uminom ng alak para magkaroon ng hiram na tapang o maling katapangan. Kung minsan nagtatapang-tapangan lang siya dahil may kasama siyang barkada. Kapag marami pa sila ay baka maghamon pa siya ng away.


2. ANG ISYU SA KATOTOHANAN. Ang isang taong duwag ay madalas na ayaw sa katotohanan. Kapag nasa aktuwal nang sitwasyon ay magpapaikut-ikot na siya ng sasabihin dahil hindi siya komportable na umamin. Madalas siyang mag-alibi, kaysa naman hindi ka pumabor. Mahirap din para sa kanya na pangatawanan ang katotohanan mula sa iba. Kung hinihingi mo ang kanyang paliwanag sa anumang kanyang nagawa, gagawa siya ng excuse para pagtibayin ang kanyang ginawa.


3. NAGKUKUNWARI O BRAGGADOCIO. Ang isang duwag ay madalas na dama niyang kailangang manghiram ng tapang sa iba’t ibang sitwasyon kahit na hindi totoo. Kunwari ay magyayabang siya hinggil sa kanyang skills at abilidad para mas mukha siyang maging eksperto sa iba’t ibang mga larangan kahit na wala siyang alam sa naturang bagay.


4. REAKSIYON? At dahil ang isang duwag ay walang ideya kung ano ang kanyang gagawin sa isang nakatetensiyon na sitwasyon madalas kunwari na lahat ng bagay ay ayos lamang. Umiwas siya sa anumang komprontasyon at mabubuhay sa pantasyang mundo na ang lahat ay ayos lamang. Na para sa kanya ika nga na ang “good offense is the best defense.” Na para bang sinasabi na mas mainam nang umiwas kaysa ang mapahamak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page