Senyales ng kasaganaan, kaunlaran at kaligayahan sa piling ng mahal sa buhay
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 23, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ronald ng Tarlac.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na bumaha rito sa amin, mabuti na lang ay dumating ‘yung rescue team, at tinulungan kami. Ang dami nilang dalang pagkain, at prutas.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Ronald
Sa iyo, Ronald,
Ang panaginip mo na bumaha sa inyo, ay nagpapahiwatig na ang personal mong pamumuhay ay gaganda, uunlad, at bubuti rin ang kalagayan ng iyong pamilya.
Samantala, ang dumating na rescue team na may maraming dalang pagkain ay halos pareho ang kahulugan nito na kasaganahan, kaunlaran at kaligayahan sa piling ng iyong mga mahal sa buhay. Ang mga prutas naman ay nangangahulugan ng magandang kalusugan at kaunlaran sa mga material na pangangailangan sa buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments