top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Senyales ng kaligayahan at mapo-promote sa trabaho

Writer: BULGAR
BULGAR
May 30, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 30, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Danny ng Palawan.

Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naglaro kami ng kaibigan ko ng shooting games, nang may biglang lumipad na ibon sa lugar namin. Binaril ko ito at bumagsak sa lupa, hanggang sa umulan ng snow na naging snow storm.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Danny

Sa iyo, Danny,


Ang ibig sabihin ng naglaro kayo ng kaibigan mo ng shooting games ay kaligayahan at mapo-promote ka sa trabaho mo. Ang may lumipad na ibon, binaril mo at bumagsak sa lupa ay nagpapahiwatig na magagapi mo ang iyong mga kaaway. Hindi sila magtatagumpay sa masama nilang binabalak laban sa iyo. Samantala ang kahulugan ng snow ay kaligayahan at kasaganaan.


Ang snow storm naman ay sign na may pagdadaanan kang pagsubok sa buhay subalit ito ay iyong makakayanan. Magtatagumpay at pagpapalain ka sa buhay.

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page