Senyales na yayaman at sasaya ang pamilya
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Enero 14, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jerome ng Cavite.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na isa na akong ganap na seaman dahil nakapasa ako sa exam. Agad akong nag-apply para makasampa sa barko at natanggap naman ako, gayundin, ako ay nakasama sa mga magtatrabaho sa abroad. Ang sarap ng pakiramdam ko habang naglalayag sa dagat ang barko namin. Ang ganda-ganda ng mga tanawin at pati ang tubig sa dagat ay ang sarap pagmasdan.
Ano ang ibig sahihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Jerome
Sa iyo, Jerome,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na isa ka nang ganap na seaman ay paglalakbay sa ibayong-dagat. Makakapag-abroad ka para magtrabaho ru’n nang mahabang panahon.
Samantala, ang kahulugan ng masarap ang pakiramdam mo habang naglalayag sa dagat ang barkong sinasakyan mo, ang ganda ng tanawin at pati ang tubig sa dagat ay masarap pagmasdan, ito ay nagpapahiwatig ng kasaganaan, kaligayahan at kaunlaran sa buhay. Yayaman ka na, gayundin, sasagana, uunlad at magiging maligaya ang iyong pamilya.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments