top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Senyales na yayaman at pagpapalain sa buhay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | August 23, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Dolora ng Pangasinan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na pinagdugtung-dugtong ko ‘yung mga beads na binili ko para gawin kong kuwintas, nang matapos ko itong gawin ay agad ko itong sinuot sa leeg ko, pero sa kasamaang palad ay napatid ito.


Kung kaya’t napagdesisyunan ko na gumawa na lamang ng rosaryo gamit ang mga beads, at ginamit ko ‘yung isa habang nagdadasal ako ng taimtim habang hawak-hawak ko ‘yung rosaryong ginawa ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Dolora


Sa iyo, Dolora,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pinagdugtung-dugtong mo ‘yung mga beads na binili mo para gawing kuwintas, ay palatandaan na makakaranas ka ng mabibigat na trabaho, kailangan mong magsikap sa mga gawaing dapat mong tapusin upang makamit mo ang tagumpay.


Ang isinuot mo ang kuwintas sa leeg mo pero bigla itong napatid, ay babala na posibleng magkahiwalay kayo ng boyfriend mo. Magkakaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan na maaaring mauwi sa tuluyan n’yong paghihiwalay.


Samantala, ang gumawa ka ng rosaryo gamit ang mga beads na binili mo, at agad kang nagdasal ng taimtim hawak ang rosaryo, ay sign na magiging mapalad ka sa larangan ng negosyo at iba pang hanapbuhay na balak mong umpisahan. Yayaman at pagpapalain ka hanggang sa tuluy-tuloy na pumasok ang grasya sa iyong buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Etrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page