top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Senyales na yayaman at never nang maghihirap

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 5, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 5, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Lorenzo ng Aklan.


Dear Maestra,

Matagal nang patay ang tatay ko, pero napanaginipan ko na nagluluksa kami dahil sa pagkamatay niya. Tapos, sobrang lungkot ko habang kausap ang nanay ko.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Lorenzo


Sa iyo, Lorenzo,


Kabaligtaran ang ibig ipahiwatig ng panaginip mo na naglukuksa kayo dahil sa pagkamatay ng tatay mo. Ito ay nangangahulugan na giginhawa na kayo sa buhay, kung saan lahat ng luho sa buhay ay mararanasan n’yo sa susunod na mga araw. Gayundin, magiging maganda ang iyong kalusugan at ligtas sa anumang sakit sa katawan.


Samantala, ang kausap mo ang nanay mo ay nagpapahiwatig ng biglang suwerte at kaginhawahan sa buhay. Yayaman kayo at hindi na maghihirap pa kailanman.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page