ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 13, 2024
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Cebu.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na minalas ako. Nagkasakit na ako, tinubuan pa ako ng tigdas.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Robert
Sa iyo, Robert,
Kabaligtaran ang kahulugan ng panaginip mo na minalas ka, ito ay nangangahulugan na susuwertehin at yayaman ka. Lahat ng luho sa buhay ay matitikman mo na rin. Isa pa, mabibili mo na rin ngayon ang pinapangarap mong kotse. Lahat ng gusto mong bilhin ay mapapasaiyo na.
Samantala, ang nagkasakit ka ng tigdas ay senyales na magiging maganda na ang kalusugan mo. Magtatagumpay ka na rin sa negosyong bubuksan mo, at may darating pang pera na ‘di mo inaasahan.Â
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna
Comments