Senyales na susuwertehin sa mapapangasawa
- BULGAR
- Jul 3, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | July 3, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Bataan.
Dear Maestra,
Magandang buhay sa inyo r’yan sa Bulgar.
Napanaginipan ko ang lemon tree namin na hitik na hitik sa bunga. Ang lalago rin ng mga dahon nito. At ang gandang pagmasdan dahil berdeng-berde ang kulay nito.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Robert
Sa iyo, Robert,
Ang ibig sabihin ng lemon tree ay paglalakbay, makakapag-a-abroad ka, habang nagta-travel ka ay makikilala mo ang magiging kabiyak ng iyong puso. Sa madaling salita, makakapag-asawa ka na.
Samantala, ang malagong dahon ng lemon tree, berdeng-berde ang kulay, ay senyales na susuwertehin ka sa pag-aasawa. Yayaman at magtatagumpay kayo sa negosyo.
Ang hitik na hitik sa bunga, ay nagpapahiwatig na marami kayong magiging anak na pawang malulusog, matatalino, at magbibigay ng karangalan sa inyong pamilya.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments