Senyales na susuwertehin sa love life
- BULGAR
- Oct 5, 2021
- 1 min read
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 05, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Cory ng Romblon.
Dear Maestra,
Ako ay tagahanga ng column ninyo at kagaya ng marami ninyong tagasubaybay, gusto ko ring magpaanalisa ng panaginip ko.
Napanaginipan ko na kasama ko ang mga kaibigan ko, tapos nakaupo kami sa mesang kainan. Ang daming pagkain sa table na pawang masasarap. Ang saya-saya namin ng mga kaibigan ko at ganadong-ganado kami sa pagkain. Ano ang ipinahihiwatig ng panaginip ko?
Naghihintay,
Cory
Sa iyo, Cory,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na maraming masasarap na pagkain sa table at ganadong-ganado ka sa pagkain kasama ng mga kaibigan mo na ganado ring kumain, ito ay nagpapahiwatig ng kasaganaan, tagumpay at pagpapala sa buhay.
Ito rin ang nangangahulugan na magiging maligaya ka sa larangan ng pag-ibig o happy love life. Susuwertehin ka sa karelasyon mo sa kasalukuyan dahil magiging maligaya kayo at walang anumang problemang kakaharapin. Magiging masaya ang relasyon ninyo na maaaring mauwi sa kasalan at panghabambuhay na pagsasama.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna







Comments