Senyales na susuwertehin at yayaman sa buhay
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 26, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gerry ng Pampanga.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na dumating sa bahay ‘yung bestfriend ko na galing sa abroad.
Nakangiti siya sa akin habang ibinibigay sa akin ang souvenir bilang alaala, dahil matagal na aming magkakaibigan na hanggang ngayon ay matatag pa rin. Sa tuwa ko ay kinabukasan binigyan ko rin siya ng mamahaling souvenir.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Gerry
Sa iyo, Gerry,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na dumating ang bestfriend mo galing abroad, binigyan ka ng souvenir ay may sorpresang nakalaan sa iyo sa darating na mga araw, na ikakatuwa mo dahil dahil ‘di mo ito aakalaing makakatanggap ka ng hindi inaasahang sorpresa sa tanang buhay mo.
Ang binigyan mo rin ng souvenir ang best friend ay nangangahulugang pagbabago ng kapaligiran. Ito rin ay nagpapahiwatig na madaragdagan ang iyong mga kaibigan. Lalo pang dadami ang magpapasaya sa buhay mo.
Samantala, ang nginitian ka ng best friend mo ay senyales na may dadating sa iyong biyaya.
Susuwertehin at yayaman ka sa buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments