top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Senyales na susuwertehin at pagpapalain sa trabaho

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 19, 2023
1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | April 19, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ronald ng Olongapo.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko pumunta ako sa zoo, tapos pinanood ko ‘yung giraffe. Libang na libang ako na nakatingin nang may dumating na magandang babae at nakipagkilala sa akin.


Nagkuwentuhan kami at nagkapalagayan ng loob.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Ronald


Sa iyo, Ronald,

Ang ibig sabihin ng panaginip mo na pumunta ka sa zoo at pinanood mo yung giraffe, libang na libang ka sa panonood ay magtatagumpay ka sa lahat ng gusto mong gawin sa darating na mga araw. Susuwertehin ka at pagpapalain sa trabaho mo at maging sa pamilya mo.


Samantala, ang may dumating na magandang babae, nagkakilala kayo, nakipagkuwentuhan at nagkapalagayang loob kayo sa isa’t isa ay nangangahulugang magiging napakasaya mo sa susunod na mga araw.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page