Senyales na may mamanahin sa yumaong mahal sa buhay
- BULGAR
- May 17, 2023
- 1 min read
ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 17, 2023
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rebecca ng Mandaluyong.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na nasa pantalan ako, tapos sasalubungin ko ‘yung kaibigan ko na galing sa probinsya. May fountain malapit sa pantalan, ang ganda ng tubig, malinaw at masarap sa pakiramdam kaya ‘di ako nainip sa paghihintay.
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Rebecca
Sa iyo, Rebecca,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa pantalan ka dahil sasalubungin mo ang iyong kaibigan ay nangangahulugang magiging matatag ka at bukas ang isip mo na harapin ang anumang pagsubok na dumating sa iyong buhay.
Samantala, ang hindi ka nainip sa paghihintay dahil may fountain malapit sa pantalan, gayundin, maganda, malinaw na tubig at masarap sa pakiramdam ay nagpapahiwatig na may mamanahin kang malaking halaga mula sa mahal mo sa buhay na yumao na.
Magugulat ka dahil hindi mo aakalain na kabilang ka sa pamamanahan. Yayaman at uunlad na ang iyong buhay.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments