top of page

Senyales na may balakid sa mga plano

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 17, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 17, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Edward ng Caloocan.


Dear Maestra,


Suki ako ng inyong kolum, kaya madalas kong isangguni ang mga panaginip ko sa inyo.


Natutuwa ako dahil eksakto ang kahulugan ng mga panaginip ko base sa inyong pag-aanalisa, kaya heto ako at muling sumasangguni sa inyo.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip na pumunta ako sa bahay ng nililigawan ko?


Matanda na siya at pag-uwi ko ay inabot ako ng gabi sa daan.

Naghihintay,


Edward


Sa iyo, Edward,


Ang ibig sabihin ng nanligaw ka sa isang babaeng matanda ay tagumpay sa iyong pakikipagsapalaran sa binabalak mong pagkakakitaan.


Gayunman, ang sabi mo ay gabi ka na nakauwi, ito ay nagpapahiwatig ng pagkaantala o hindi agad matutupad ang mga balak mo. May mga sagabal ka pang haharapin bago makamit ang tagumpay. Sipag at tiyaga ang nararapat mong gawin upang makamit ang inaasam-asam na tagumpay sa iyong buhay.


Matapat na sumasaiyo,


Maestra Estrellia De Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page