top of page
Ralph Recto.jpg

Senyales na matatapos na ang kalungkutan

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 13, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Pebrero 13, 2023


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Domeng ng Bulacan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nag-apply ako bilang hardinero sa isang mayamang angkan.


Habang naglilinis ako ng garden, may dumating na magandang babae. Kinausap ko siya at nagkapalagayan kami ng loob. Ang gaan ng loob ko habang kinakausap ko siya.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Domeng


Sa iyo, Domeng,


Ang ibig sabihin ng nag-apply ka bilang hardinero sa isang mayamang angkan ay magiging abala ka sa mga gawaing kapaki-pakinabang at magbibigay ng kasiyahan sa mga tao. Gayundin, mag-e-enjoy ka sa bawat araw na lilipas.


Samantala, ang may dumating na magandang babae, kinausap mo at magaan ang loob mo sa kanya ay nagpapahiwatig na magiging masaya ka sa darating na mga araw. Wala nang magiging puwang ang kalungkutan sa buhay mo. Gayundin, matatapos na ang malulungkot na pangyayaring dinanas mo noon dahil sa wakas ay pagpapalain ka at sasagana ang iyong kabuhayan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page