top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Senyales na mapapangasawa ang bet pakasalan

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 12, 2021
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | April 12, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Victor ng Cavite.


Dear Maestra,

Natutuwa ako dahil may column dito sa BULGAR tungkol sa kahulugan ng mga panaginip. Madalas ay nag-aalala ako sa mga panaginip ko dahil minsan ay nakakatakot at nakakabahala.

Isa akong tindero ng balot, may napupusuan na ako at gusto ko na siyang pakasalan, subalit wala pa akong ipon kaya patuloy pa ring nagsusumikap sa buhay. Madalas akong managinip ng mga itlog na may malaki at maliit, gayundin, iba’t iba ang hugis ng mga ito. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Victor

Sa iyo, Victor,

Ang ibig sabihin ng itlog sa iyong panaginip ay ito:


Kung ang itlog ay kinain mo, nagpapahiwatig ito ng kamalasan sa buhay. Mabuti na lang at ayon sa iyong panaginip mo ay nakakita ka lang ng mga itlog. Ito ay nangangahulugan na makapag-aasawa ka na at ikakasal sa kasalukuyan mong kasintahan. Gayundin, magiging maganda ang inyong buhay at magiging maligaya ka sa piling ng inyong mga anak na pawang malulusog at matatalino. Hanggang dito na lang, nawa’y pagpalain ka sa buhay at matuloy na balak mong pagpapakasal.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page