top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Senyales na malulutas ang anumang problema

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 18, 2023
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | May 18, 2023



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Trining ng Camarines Sur.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa kusina ako at naghahanda para sa aming hapunan, tapos kumain ako mag-isa dahil wala pa ang mga kasamahan ko. Bigla akong tinahulan ng aming aso habang ako ay kumakain na para bang humihingi ito.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Trining


Sa iyo, Trining,


Ang panaginip mo na nasa kusina ka at naghahanda ng hapunan ay nangangahulugang magiging maligaya ka sa piling ng iyong pamilya. Ang kumain kang mag-isa dahil wala pa ang mga kasama mo ay nagpapahiwatig na may parating na problema sa iyong buhay, at may posibilidad na mahirapan kang solusyunan ito.


Samantala, ang pagtahol sa iyo ng aso habang ikaw ay kumakain na para bang nais nitong humingi ay senyales na malalagpasan mo ang anumang problema na iyong kakaharapin.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page