Senyales na makikilala sa abroad ang mapapangasawa
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | December 14, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gerry ng Pangasinan.
Dear Maestra,
Napanaginipan ko na namasyal ako sa bukid namin, tapos may nadaanan akong palm trees.
Ang ganda-ganda ng mga dahon nito, tapos biglang may nagliparan na mga parrots.
Ang gaganda ng mga pakpak nila at iba’t iba ang kulay. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?
Naghihintay,
Gerry
Sa iyo, Gerry,
Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo tungkol sa palm trees dahil ito ay nangangahulugan ng saganang pamumuhay na hitik na hitik sa mga materyal na pinapangarap mo sa buhay.
Nagpapahiwatig din ito na maaari kang manalo sa lottery, pero hindi naman gaanong malaki.
‘Yun namang parrots na may iba’t ibang kulay ay nangangahulugan ng paglalakbay sa ibayong-dagat at doon mo makikilala ang iyong magiging partner sa buhay. Ibig sabihin, makakapag-asawa ka roon. Marami ka ring magiging kaibigan doon na masayahin at palakuwento ng mga bagay-bagay na makapagpapatawa sa iyo.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia De Luna




Comments