top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Senyales na makakatuluyan ang dyowa

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 21, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| December 21, 2021


Dear Maestro,


Compatible ba ang Aquarius at Leo? Ang dami ko nang nakarelasyon, pero palagi akong bigo sa pag-ibig at iniiwan ng mga lalaking nakakasama ko. Isinilang ako noong February 12, 1996 habang ang boyfriend ko ay isinilang noong August 4, 1989. Five years na siyang hiwalay sa kanyang asawa at dalawang beses na kaming nagkikita.


Okey naman siya at ipinakilala niya na rin ako sa mga magulang at kapatid niya. Kami na ba ang magsasama habamuhay at siya na ba ang itinakda sa akin ng kapalaran?


Umaasa,


Miles ng San Antonio, Noveleta, Cavite


Dear Miles,


Ayon sa Oriental Astrology, tunay ngang ka-compatible mo ang isang Leo dahil siya ang tinatawag na “opposite attracts” mo, kung saan ang Aquarius ay air type sign, habang ang Leo ay fire type sign. Ang hangin o air, sa aktuwal na senaryo, ang siyang nagpapalakas ng siklab at alab ng mahinang apoy, kaya naman complementary compatible ang inyong ugnayan at pagmamahalan.


Dagdag pa rito, ang birth date niyang 4 ay siya rin namang numero ng zodiac sign mong Aquarius dahil ito ay under sa planetang Uranus at may katumbas na numerong 4.


Kaya sa pisikal na deskripsiyon at mga gawain, kung may pagka-weird siya at unique o kakaiba ang kanyang trabaho, ang nature ng kanyang propesyon o ang mismong background ng kanyang pamilya, ‘yun ay malinaw na palatandaang siya na ang lalaking itinakda sa iyo ng kapalaran.


Sapagkat nakahiwalay mo ang mga normal o pangkaraniwang lalaki, dahil hindi ‘yun ang nakatakda sa iyo, bagkus ang nakatakda sa iyo ay tulad ng naipaliwanag na, basta’t may kakaiba sa kanyang pagkatao, propesyon o sa background ng kanyang pamilya.


Samantala, ayon sa iyong Love Calendar, umikot man nang umikot sa kabiguan at paghihiwalay ang iyong karanasan sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, sa bandang huli, sa panahong itinakda ng Dakilang Katalagahan, mapapanatag din ang lahat — makakasumpong ka ng tunay at masayang pakikipagrelasyon, na nakatakdang mangyari at maganap sa susunod na taong 2022, sa edad mong 26 pataas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page